Nov 17, 2011

Ang Unang Linggo ni Ningmu



Pitong araw na ang nakalipas, mula nang ang pusang ligaw ay aking iniligtas, mabuti na lamang at siya ay malaki na at di na kelangan pa-inumin pa ng gatas. Di naging  madali sa pusang ligaw ang pag-aadjust sa bago nyang mundo kapiling ang gwapo nyang amo (objections are not allowed). kung sino man ang gwapo, amo nya ba o ang nagsulat nito, eh wala na daw syang paki-alam dito, ang mahalaga eh mahal sya nito ng buong pusa, este buong puso(nagdrama) nagka-iyakan pa ang amo, ang nagsulat nito, at si Ningmu. pero bago pa magkaroon ng dagat ng luha, at sing laki ng iceberg na muta, eh itutuloy ko na ang kwento ni Ningmu...

...sa pagpapatuloy... sa pag pasok ng pusang ligaw sa bago nyang tahanan, kelangan nyang iwanan ang luma nyang pangalan, at dahil diyan, muli siyang bibinyagan.

maraming imbetado sa okasyong ito, mga bisita ay pinili ng husto, at sa pagkaka-alam ko, may mga panauhin rin na hindi tao, hayop ang mga ito(pahayopin?).

di na dumaan sa screenings, auditions, at interviews ang mga nasabing bisita, sa pintu-an sila dadaan -sabi ng party organizer.



sa aming munting pinto, mga bisita ay napahinto, marahang binasa ang isang paalala, kahindik-hindik ang pagkakasulat ng mga titik(wreten en kapetal leturs), at ang nakasulat ay: "NO ID, NO ENTERy.", natigilan lahat ng bisita, napatingin sila sa isat-isa, napalulon ng sariling laway, at bahagyang napamura, wala kahit isa sa kanila ang may dalang ID.

bago pa mauwi sa hostage taking ang tensyonadong sitwasyon, minabuti na ng management na magpadala na ng negotiator.

Lumabas ang writer, sya ang inatasan ng management na tumayo bilang negotiator, kaya na posponed ang kanyang pagsusulat... (...lumabas pa ang writer) -at para di mainip ang mga audience eh nagdisisyon ang management na magkakaroon muna ng commercial break.

we will be right back after this short commercial break.

                                                                          (latest anoh?)

sa pagpapatuloy...

natapos na ang short commercial break, kaya ipinatawag na muli ng management ang writer para ituloy ang kanyang sinusulat. habang wala pa siya, eh ako na muna ang magsusulat-sino ako? --tinanong ko ang sarili ko, sinagot ko rin ang sarili ko "ako ito, ang writer(kunwari)".

sa muling pagpapatuloy(take two)... ...saan na nga uli tayo? "nariyan ka at nandito ako" --pasigaw na sagot ng pusang ligaw mula sa kanyang kwarto, at sabay tanung sa akin kung pinapasok ko na ang VIP without ID nyang mga bisita, ang sagot ko ay:"Hindi eh, ang sabi kasi ng management, tumayo ako bilang negotiator, kaya tumayo lang ako, di ko kinausap mga bisita mo."

Ay Tanga!!! pabulong na sigaw ng pusang ligaw, di ko pinansin ang pusang ligaw, kunwari barado ng cream na dilaw ang tenga ko kaya di ko sya narinig.

Sa pag-aalala baka magsi-uwi ang kanyang mga bisita, dali-daling dumungaw sa bintana ang bibinyagang pusa, pasigaw nyang tinawag ang mga bisita, at sinabihan na sa pinto sa kabila dumaan(back door).

kumaripas ng takbo ang mga walang modo, ang iba naman ay dahan-dahan lang tila cool at edukado. huling dumating sa pinto ang mga walang modo, sa kakamadali naligaw ang mga ito.

napatigil muli sa backdoor na pinto ang mga walang modo at mga kunwari edukado, pagkabahala ang namayani sa kanilang diwa, nang mabasa ang nakasulat na babala, na nagsasabing: "NO TRESSPASSING".

bago pa ulo ng karamihan ay uminit, at muling sumiklab ang galit, isa sa mga bisita ang buluntaryong nagpaliwanag kung anong ibig sabihin ng TREESPASSING, sabay sabi na wala silang dapat ikabahala, sapagkat ang ibig lamang sabihin ng TRESSPASSING ay: "bawal ang tatlo pumasok ng sabay", dapat ay isahan lang or "UNOpassing", o dalawahan or "DOSpassing", pwede rin apatan or "QUATROpassing". malas raw kasi pag tatluhan or "TRESSpassing" kung dadaan sa backdoor -ayon sa mga pongtsoy experts at mga gastrologers(astrologers na may gastritis).

sa wakas nakapasok rin ang mga bwisita, laking tuwa ng pusa ng makita nya na sina Daga A at Daga B pala ang kanyang bisita- kung hindi nyo pa sila kilala, kilalanin sa unang pahina nitong kwento ng ligaw na pusa.

madamdamin ang mga sumunod na tagpo, mag-asawang daga ay di man lang naka-upo, nagbilang ng tatlo si daga A, "Takbo!"-sigaw ni Daga B.

Kumaripas ng takbo ang dalawang kawawang daga, tinahak ni Daga A ang X-axis(abscissa), at sa Y-axis(ordinate)naman si Daga B, naiwan sa Origin(vertex) ang pusang ligaw at di agad nakagalaw, siya'y nalito at di agad nakatakbo, nag-isip kunwari at napakamot sa ulo, tinanong nya sa sarili kung sino... ...sino ang mas Tender at Juicy, si Daga A o si Daga B? medyo choosy kasi sya pagdating sa pagkain, at bago nya pa napansin, eh wala na ang dalawang daga na gusto nyang kainin.

Di na matanaw ng Pusa ang mga Daga sa Quadrant 1 and 2, at negative na rin pareho sa quadrant 3 and 4, naisip nyang gamitin ang
teorya ni Phytagora para ma locate ang mga nakatakas na daga. kaso biglang naalala ng writer na mahina pala sya sa Math kaya babaguhin nya nalang ang takbo ng kwento...

At bago pa mapagkamalan ng mga reader(like you) na mathematician ang pusang ligaw, nag desisyon na ang writer na itigil na ang pagamit ng mga mathematical terms, bigla nya kasing naalala na malakas syang kumain ng mga pagkaing mamantika, pero mahina talaga sya sa matematika, at sa katunayan ay di nya rin alam kung ano ang kaugnayan ng pagkaing mamantika sa matematika,(Ryhme daw kasi, kaya naisali).

Mahaba na ata ang maikling kwento na aking nagawa, at tulad ng dati eh mawawala nalang bigla na parang bula, kung ano ang nangyari sa  bibinyagang pusa at sa dalawang daga, eh ikaw na ang bahala... bahala ka na sa buhay mo! kaw na magtuloy ng kwento! pagod na ako!
wag kayong mang gulo!, sumuko na kayo! napapaligiran ko na kayo! wag kayong kikilos ng hindi masama! kung hindi, eh pasasabugin ko ang... ...ah basta!

(nang hostage na ang baliw na writer) at ang kanyang mga demands sa pamahalaan at kinauukulan ay ang mga sumusunod:

1. Murang Pizza Pie para sa mahihirap
2. Mahal at di mabisang gamot para sa mga Corrupt na pulitiko
3. RH bill para sa mga pusa
4. Libreng edukasyon para sa mga guro na di marunong magturo
5. I-rehab sa crocodile farm ang mga Kotong Cops(buwaya).
6. (Reserved for your suggestions)

Comments for FB users

0 comments:

Post a Comment

 

Joey Laglagaron Copyright © 2009 WoodMag is Designed by Ipietoon for Free Blogger Template