Ika pito ng Octubre taong dalawang libo’t sampu, nang una kong makita itong pusang pagala-gala, paikot- ikot sa labas ng aming bahay na tila terroristang may planong magtanim ng bomba, di ko pinansin ang kawawang pusa(di naman kasi cute), at mahigpit na bilin ng aking ina na huwag makipag-usap sa mga hindi ko kilala lalo na kung ito ay pusa(maliban nalang kung si Garfield ito).
Lumipas ang mga araw, lagi ko parin siyang natatanaw, napa-isip tuloy ako kung pwede ko ba syang ibenta sa nagbebenta ng siopao. Pero hindi pwede, paborito ko kasi ang siopao at di ako kumakain ng pusa –di nman magiging sampu buhay ko(buhay ko +9 ng pusa) kung kakain ako ng siopao na may palamang pusa.
Kinalimutan ko na ang maitim kong balak sa pusang ligaw, bagkus eh binigyan ko nalang sya ng tubig, baka sakaling na-uuhaw. Nung una eh medyo ma-ilap at natatakot pa(di kasi ako mukhang daga o tinik ng isda), pero dahil siguro sa uhaw at gutom, takot nya ay nawala at sa akin ay lumapit na(daga na ata ako sa paningin nya o di kaya di nagdiet na tuna).
Kinabukasan, kami ay naging magkaibigan na. tinik ng isdang tuna na nasa lata eh di ko na ipinagkaka-it sa kanya(meron kaya?). hindi natuwa ang pusang ligaw, “gutom parin ako!” –yan ang kanyang sigaw, sabay walkout na parang ako ang sumira sa kanyang magandang araw.
Makalipas ang dalawang minuto at .5seconds , umalingaw-ngaw ang malakas na “MEOW!” mula kung saan naroroon ang pusang ligaw. mga dagang naghaharutan, sa kisame ay biglang napadungaw, “what the hell happened?”—pasigaw na tanong ng isa sa kanila, “nothing happends on hell, darling.”—sagot ng kabiyak nyang tanga.
Sa hindi kalayu-an eh natanaw nina daga A kasama ang kabiyak nyang si daga B ang maingay na pusa, napansin ng dalawa(tanga ung isa) na nanlilisik ang mata ni pusa, at sa kasamaang palad eh nakatitig pa sa kanila ang matatalim nitong mata(eyespeak). Takot ang namayani sa diwa ng unang daga, at kinilig naman ang kasama nyang tanga.
Umihip ng mahinhin ang malamig na hangin, biglang nagdilim ang langit at ang kidlat dito ay gumuhit. Nagdilim na rin ang pag-iisip ng writer –nang marinig nya ang naka loudspeaker na sigaw ng kanyang mama, “Joey! Kunin mo na ang mga damit sa sampayan, nandyan na ang ulam,este ulan.”, “saan ang ulam? Este ulan, wla naman ah” –sagot ng tangang daga mula sa loob ng kanyang kwarto(nalito kunwari ang writer kung bakit ang tangang daga ay naging ako). Oo ikaw!, ikaw na nagbabasa nito, ikaw ay hindi ang writer, sapagkat ikaw ay ang reader, pero binasa rin ito ng writer kaya reader rin sya, pero hindi ikaw sya(nalito ka rin kunwari, tulad ng writer). Nawala ka sa iyong binabasa, nawala rin ang pusa, ang unang daga at kasama nyang tanga, nawala rin yung comma bago ang “at” nawala rin ang writer(kumuha pa ng damit sa sampayan), wala nang sumunod na mga salita at letra. 1,2,3 ,!@#$%^&* …
Itutulog… (Itutuloy sa panaginip)…
Comments for FB users
13 comments:
i like it...
para kang.. ung kilala kong di ko pa namemeet.. =)
to anonymous #2 hehehe uhmmm sino kaya yun??? xa ba un? hehe
grow up kiddie yow! write some worth reading for. what's the moral of this story? :-))))
ikaw un! hekhekhek
To anonymous a.k.a "grow up": hahaha where's the fun on growing up? hahaha not every story has it's moral, not every reader looks for moral on every story that they read,so far the feedbacks that i've got were positive(not including yours haha) anyway I'm not writing for particular someone, I did not wrote that to please the likes of u hehe or anyone, anybody, anynoboby but... u? hahaha
anyways, tnx for the concern about my time... this may not worth your time, but it worths mine hahaha
To anonymous a.k.a "hekhek": haha ako??? di yun ako nuh... xa nga un hehe
mali ka kamo!!! bwahahaha
To anonymous a.k.a "grow up": hahaha oo na mali na ako... haha
Hey Kalel! What a funny story!!! You made me laugh again. I'll take time reading some of your stories soon. Pasensya wala nko kaemail lately. Hehehe.. God bless my friend!
To Sensei: Yo! Sensei! you're back! haha it's alright. you are probably hibernating again? hehe just take your time... I'll take mine too hehe
Godbless us always.
hi joey, ur a good writer pala, nice story, you continue to amaze me.. hehehe keep up the good work my friend!
Post a Comment